Ang kulit ni kuya. Tumawag na raw bako at nkibalita na raw bako. Sabi ko nga hindi pa. Tinanong ko kung nkakapagsalita pa. Nkatawag na raw sila. Diko lang alam kung sinong sila. Pero natanong ko si Russel at nkatawag na raw nga sya. Tinext ko si Melody, hindi pa rin daw sya nkatawag. So kinuha ko number ke kuya para sabi ko tatawagan ko after ng office. Ibinigay naman nya.
Around 4pm when my aunt went online and told me 0200H January 19, 2009 when my aunt’s husband died. As said from my bulletin, he was diagnosed of Bone Cancer last year, November. Just a week from my so called vacay. And I wasn’t able to see him. Who knows what stage he was from that date. Euthanasia was the best option they or he can think of.
Ungol na lang daw naisasagot nung Linggo at payat na payat na raw sabi ni Te Estie. Ayaw pa raw nya hawakan at ni Mame. Well, mahina kase mga sikmura nila and nakakatakot rin na baka silang dalawa pa atakihin sa pagkakakita. Nagdala pa sila ng Duktor kc nag-request si Tia Caring at nagpatawag na rin sila ng Pari kase “naghihingalo” na nga raw. Pero bago sila bumalik ng Cavite, hinawakan na rin ni Te Estie sa kamay pati si Mame kase baka daw yun na lang hinihintay.
Year 2006 when Nanay (grandmother, mother side) passed away. It was unexpected since she was as healthy a week before her hospitalization. Mom and aunts from Lucena were also there day before her, well, passing. That I guess was on April. Holy week. Thing is, both the eldest and the youngest children, Ninang and Te Estie, were the only ones left that time.
So sabi ni Te Estie, sabog daw ang ebs at nagsuka raw sya pagkakita ke Tio Moling kagaya ng happen ke Nanay nung Linggo nga. If not for the “taning ng buhay”, Civil wedding naman sila, pero dahil na rin gusto ipasok sa simbahan “pag dumating na ang oras”, nagpakasal sila sa Pari. Wala ako dun nung kinasal sila last month, December, pero regalo ko ung wedding cake nila. At sabi nman ng mga bisita e masaya naman ung dalawa.
So why TROUBLESOME? Coz I know people I greeted to have the happiest birthdays today and later found out some people who mourn. Birthdays and Deaths are sometimes the only times close (or not) friends and relatives come to your place and visit you. just the same, I’ll be praying for the birthday celebrants and the soul of Tio Molling.
And yeah, aside from some staffs “resigning” suddenly without notice. Well, I’m no HR.
I don’t think I’ll be able to sleep well tonight. I’ll cook spaghetti and stuff myself out para antukin ako. Might as well take Benadryl capsule.
Sabi nga ni Roland Deschain, “LONG DAYS AND PLEASANT NIGHTS”….
Sunday, February 15, 2009
Troublesome
Monday, February 9, 2009
Curiosity ‘fats’ THE cat
Sa lahat ng nagtatanong at nagtataka, heto na ang sagot sa katanungan at pagtataka nyo. Kala nyo naman. Ano naman kasing katanong tanong at kataka taka? 50kgs ako nung umalis ako papuntang Taiwan. Umuwi akong 54-55kgs. Na-maintain ko naman for 2 yrs din, in fairness. Nagtanong ako sa duktor (sa Asian Hospital para sosyal at makasiguro kayo) ng pampapayat pero underweight daw ako. Ang kelangan ko raw vitamins pampataba at pampadugo kase maputla raw ako. So last year, umalis akong 55kgs pa rin. Makalipas ang isang taon, 60kgs na ako. Hayan, galing IKEA ung timbangan na ginamit ko so wlang halong kadayaan.
Matagal na rin ako at ilang kilala ko na curious kung anong magiging hitsura ko (bukod sa itsurang tao) kung mataba ako. At maitim. At bansot. At pangong pango ang ilong. Hindi nila naisip e di hindi na ako yun pag lahat yan nangyari. Hehehe. Sa tinagal tagal ng panahon na binalak ko rin maramdaman kung….
PANO NGA BA MAGING MATABA?
Hindi ako kumakain ng taba ng baboy or baka dahil nagsusuka ako. Lahat ng merong taba usually tinatanggal ko yun sa pagkain ko.Pero masarap ang tsitsaron. Tamang spelling ba? Ayaw ko rin ng mamantika. May panahon nuon na pag nakakita ako ng ulam na naglalangoy sa mantika, nagsusuka na ako. Pero wag ka, sa mantika, masarap ang french fries. Nuknukan nga raw ako ng sensitive sa pagkain sa dami ng hindi ko pwdeng kainin.
Allergic rin ako seafoods. Kumain ako sa ATC, SHABU-SHABU na hindi rin naman talagang mura, ng crab stick. 1st time after 5 or 10 years ko ata uling sinubukan for the sake of “immunity”. Okay naman ako hanggang makauwi. At matulog. At gumising kinabusan. Pagkapaligo ko, may lumabas na lang na rashes in between chin and lips ko. Anong say? Kahit mag Benadryl 50mg capsule ako 2x a day na talo ko pang drug addict, 2-3 weeks ding nasa pagmumukha ko ang nasabing pasaway na rashes. 14 days x 27 per piece x twice a day = 756 pesos rin para sa gamot vs 4,000 pesos na dinner. Hindi kasama ang abala. Pambihira.
At least ngayon, hindi ko na kinailangan magpunta ng clinic araw-araw at magpa inject ng malaking karayom sa pwet dahil hindi na tumatalab ang gamot pag sa braso. Eewww.. Sounds Improving ako.
No Taba + No Seafoods = less fats
Diko na matandaan kelan ako unang kumain ng M & M’s Peanut Butter. Na sa ngyon, bukod tanging chocolate na nagustuhan ko to the point na hindi ako mkapag trabaho pag wala sa pagitan ng monitor at keyboard ko. Hindi ko ako mahilig sa tsokolate. Pag may maga bigay at padala, most of the time, agawan ang mader at pader ko. Silang dalawa ang di magkamayaw sa paghahati lalo na pag KISSES at Snickers. Lately, napag-alaman ko, seasonal pala ang flavor na yun. Meaning, pag Pasko lang. So panic buying ako. Bumili ako ng 5packs na 1st ng Feb ubos ko na. Dispenser nalang ang natira.
No Taba + No Seafoods = Chocolate
Matagal na panahon rin na walang Twister Fries sa McDo sa pinas. Dito meron. Hndi ko na i-elaborate. Malalaki na kayo. Hehe.
Nung bago pa lang ako dito, ang ganda ng gym. Kukunan ko ng picture sa mga susunod na araw bago ako umuwi ng Pinas. Wala masyadong tao lagi. May swimming pool na wala rin masyado swim. At playground. Yan, dito kalimitan may tao. Maraming ring may mga anak sa condo. Kaya nung bago pa lang ako, nakakatakbo pako sa tread mill. Nakakapag swimming pa. At nakaktambay sa play ground. Nung bago pa lang ako. Inuulit ko, nung bago pa lang ako. LOL!
Di nman ako racist, pero patawarin nyo ako. Sa dami ng itim na tumatakbo, naglalangoy at iba pang lahi at malalaking katawan, sa ganda ng gym at linis ng pool; Sa presko nya nung bago pa lang ako, gusto ko lang mag trim at maging fit kaya ko gustong may gym at mag swimming. Ayaw ko pang mamatay. ROFL!
No Taba + No Seafoods = Chocolate + Tambay
…. ITUTULOY
Thursday, February 5, 2009
Shiny, Shiny, Shiny Things
Last year, dahil sa isang mabait na someone (sipsip!, hahaha!), I was able to buy Nintedo Wii. Supposed to be, 27th birthday gift nya sakin coz it’s been a while.. years.. since we last saw and talk to each other. Maraming salamat sa worldwideweb at sa pagkakamali ng tatlong tao na naging dahilan para muli kaming mag-usap. At hindi naman ako nabigo. Kung tutuusin 2nd gift na nya yun sakin. Ang nauna e Levi’s na pants (Dahil adik pa rin ako sa particular jeans na yun). Pero end of 2008 nako nkabili ng Wii dahil parang dun lang ata ako nagkaron ng time na mag-shopping. Take note, mag-SHOPPING. Wahahaha!
Joke lang. Mahal pa kase early 2008 yung Wii at naging abala ako sa pangongolekta ng mga libro na matagal na panahon ko ng bilhin at koleksyunin. Dahil laging wala sa Pinas o kung meron man, kulang-kulang na serye at talaga naming mahal ng gusto ko ngang basahin kahit soft copies lang sila. Bukod pa sa Marvel at DC Comics. Series ng Worldwide Hulk, Infinite Crisis, Civil War at ang nag-uumpisa pa lang na walang kamatayang ultimate fave ko ni Stephen King na Dark Tower, na medyo may karamihan din. Isama pa natin ang miminsang pagbili ko rin ng Health Magazines at Cosmo. Siguro dapat nila kong bayaran sa pag-mention ko sa kanila sa post na to. Sa palagay mo? Hehehe.. Alam ko kase sa Pinas manghihinayang akong bumili bukod sa hindi masusundan unless mag pre-order ka sa bookstores na hahanapin mo pa dahil puro “N/A” ang isasagot sayo ng staffs ng 2 natatanging kilalang bookstores sa Pinas.
So hayan, 3 shiny things ang na-mention ko. Ano pa ba? Wala naman akong hilig sa kolete pa tawag dun? Sa mga panglagay sa mukha. Most of the time, na-e-xpired lang sila sa taguan ko. Tinatagiyawat pa rin ako sa foundation. Kung meron man, polbo at lip gloss. Isang araw nagka bukasan nga ng mga kikay kit, ako lang sa lahat ng babae ang walang dalang suklay at lipgloss.
Pero meron pang isang mabait (at sipsip ulit ako) na dating binigyan ng CK shorts na manipis na ngyon dahil nagging paborito ko talaga yun. So last year, pinalitan naman nya ng, teka iisipin ko kung anong brand…kelangan ko pa hanapin sa http://www.1utama.com.my dahil nakalimutan ko tlga ung brand. Hehe. Alam ko na.. naisip ko bago ko pa Makita. TOPSHOP shorts na ngyon e paborito ko na rin. Ang malupit pa dun, binigyan nya rin ako ng Lacoste Inspiration.
At merong pang pahabol na iPod Touch nung pasko kahit hindi sya 100% na regalo dahil kelangan ko syang dagdagan. Para lang magsisi at sana pala e iba na lang ang binili ko. Same price pa halos. Hahaha! Magagamit ko rin siguro ng 100% yun kapag walang wala ng magawa. Nakakainis kasi kelangan pa ng iTunes at computer para makapag charge ka at loads ng kung anumang gusto mo.
Hindi ko na babanggitin ang kanilang mga pangalan dahil baka pagalitan ako pag may gumaya at maging sipsip rin. Lalo pa’t panahon ng krisis at recession. Hehehe. Basta maraming salamat pa rin sa mga “sponsors” ko. Sana ay hindi sila magsawa sa ka-sipsipan ko. Hahaha! Peace.
Gumawa ako ng WANT LIST ko nung nakaraang Pasko pero hndi ko na ata nasulatan. Baka ma-frustrate ako pag diko nakuha lahat. Hahaha! Pero naglagay pako ng pictures. Mabagal lang talaga ang FS minsan pagdating sa blogs. Dahil narin siguro sa updates.
Anyways, sa ngayon, confused ako kung give up ang 5 y/o ko na ring Satellite for Macbook or Vaio? Haha! Wag ka ng kumontra. Walang masama sa pangarap. Mabuti nga at realistic pa rin ang sinasabi ko dito. At least walang involve na retoke at dagdag bawas ng kung ano-ano e di mas nakakapang hinayangan pagkagastusan yun, diba? At ung N70 ibabalik ko na ke mader para naman makapag 3G na sya. N73 na lang sakin. Tiis na lang kahit E71 sana ang gusto ko para may wifi. Ang nangyari kase, iPod pang wifi ko, N73 pang 3G tapos yung PSP, pang games at videos pa rin. E kung ung Sony X1 e di all in 1. Kaso nman sa X1, 32” plasma TV at PC na ang katapat sa sobrang mahal.
Meron din 2nd hand na hatak ng banko 2006 Honda City 1.3S MT @ 390k, 53 milage, silver color or 2006 Honda Jazz 1.3LIS MT @ 440k, 50 mileage, Silverstone color. Gusto ko rin ng sarili kong bahay. Langya, yung mga batchmates ko, kahit single may mga sariling bahay na. Feeling may pang down or pambili! Hahaha! Kiber. Wag ka na nga sabi kumontra… Basta isa-isa lang. Mahina ang powers.
Gusto ko rin sana ng PS3 pero dahil sa mahal ng games at hindi pa nilalabas ng Square Enix ang Final Fantasy 13 gaya ng “promise” nila na January 2009… baka hindi na lang. At least hindi ako kagaya ng kilala ko na bumili lang ng Xbox para gawing DVD player kahit may PS2 na sya. At ngayon e nagbabalak pang bumili ng Wii. Take note, may PSP rin sya. Hahaha! Mabuti na lang wala syang Nintendo DS kase corny daw. Hahaha!
Simpleng pamumuhay, simpleng kasiyahan. Ngayong krisis, sa dami ng walang trabaho hindi lang pinoy, kelangan natin pag-isipan where to spend our fruit of our labors. Ang daming write-ups tungkol sa pagtitipid. Pero hndi naman ata masama na paminsan-minsan bumili tayo ng para sa sarili natin. Nakakawalang gana kaya mgtrabaho ng hindi mo nakikita at nararamdaman ang pinag hirapan mo. Wala pa ho akong sariling pamilya or anak at alam kong ibang kaso na sa mga pamilyadong tao. Pero saludo ako sa marunong mag-dibay dibay ng kita nila. Hahaha!
Kaya para sayo Mate, winner at wagi ka sa Prada mong salamin! Kahit hndi mo maikot ang SEA, alam ko masaya ka.
At wagi si Tata sa binili nyang laptop atbp possessions nya sa ngyon. Compaq nga ba un?
At sayo naman, Diver… medyo kainis ka. Deprive mo nga anak mo sa PSP e ikaw nga lagi ka diving! Mahal kaya ng accessories nun at byahe pa mismo. Rason mo pa sira sa pag-aaral. Guidance lang yun! Isa or dalawang diving sessions mo, 1 PSP na. Batok sayo!
At sa kilala kong may bagong bagong silver na 2008 ba or 2009 Honda City, winner ka rin!
Sa tagamaneho ko na bumili ng bahay at lupa, isa ka ring winner.
Syempre, yung titirhan ko kung sakali pansamantagal, waging wagi ka syempre! Cheers Bel!
Sino pa ba? Ang mga kilala kong single, single parent or parents na hindi madadamot . Syempre sa puso ko, waging wagi sila.